Naburyong sa ka-live-in, kelot nagbigti

WINAKASAN ng isang 20 anyos na lalaki ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang mabuwisit sa kanyang kinakasama sa Iligan City.

Dead on arrival sa pagamutan si Rene Boy De Los Santos ng Purok 5 Barangay Santa Elena, lungsod ng Iligan.

Nakita ang biktima na nakalambitin sa isang puno kahapon ng hapon at matapos kalagan ay tinangka pang isugod sa pagamutan.

Patuloy ang imbestigasyon ng Iligan PNP sa nasabing pangyayari at inaalam kung mayroong naganap na foul play.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply