Naburyong sa sermon ng ama, pipi nagbigti

NABURYONG sa kasesermon ng kanyang ama ang isang 16-anyos na pipi dahilan upang magbigti gamit ang sintas ng sapatos sa General Santos City, sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report nakitang nakabitin at wala nang buhay ang biktima na kinilalang si Melkisidy Cuyungan gn Purok Matutum, Barangay Fatima sa nabangit na lungsod kagabi (Mayo 9).

Aminado ang ama nitong si Renato Cuyungan, na napagalitan niya ang biktima matapos makipag-agawan sa album sa nakababatang kapatid na babae.

Kasunod ng ginawang sermon sa binatilyo ay pinalo rin umano ng tatay ang kanyang anak.

Ilang minuto ang nakalipas ay kumuha ng lubid ang biktima upang magpatiwakal pero nagawang maawat ito ng mga kasama niya sa bahay.

Subalit dakong hapunan ay bigla na lamang nawala si Melkisidy at kinabukasan ay nakitang isa na itong malamig na bangkay na nakabitin sa isang bakanteng bahay.

Base sa imbestigayon ng pulisya, narekober sa pinangyarihan ng insidente ang isang sintas ng sapatos na sinasabing ginamit ng biktima sa kanyang ginawang pagsu-suicide.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply