Nag-akyat bahay pinatay sa sakal

IBINALANDRA sa kalsada ang bangkay ng isang akyat-bahay sa kanto ng Daisy St., Brgy. West Fairview kaninang madaling araw.

Inilarawan lamang ang hindi pa nakikilalang lalaki na nakasuot ng itim na maong pants, nakaputing T-shirt, tinatayang 30-35 anyos at balingkinitan ang pangangatawan.

Wala namang anomang sugat na nakita ang mga awtoridad sa katawan ng biktima pero may bakas ito ng pagkakasakal sa leeg.

Lumitaw sa pagsisiyasat na nakatanggap ng tawag si Victor Hernandez, BSPO sa naturang lugar bandang alas-2:30 ng madaling araw hinggil sa pagkakadiskubre sa naturang bangkay.

Nabatid na pinatungan ng bilao ang tiyan ng bangkay na may nakasulat  na “Akyat Bahay Ako” at may nakasabit din sa leeg na cellphone lace na hinihinalang ipinansakal ng salarin.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply