Nagastos ang pera ng barangay, opisyal nagbigti

HINIHINALANG problema sa pera ang nagtulak sa isang barangay official upang kitlin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa Calabanga, Camarines Sur.

Nabatid na wala nang buhay nang matagpuan ng isa sa kanyang kaanak ang biktimang si Pedro Templonuevo, barangay secretary, habang nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima,  ilang araw nang balisa ito nang dumulog sa kanya at ipaalam ang plano nitong pagbibigti matapos magastos ang pera ng barangay na siya ang nangangalaga.

Hindi umano sukat akalin ng ina na tototohanin ng kaniyang anak ang kanyang sinabi.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply