Nagmatigas na misis inutas sa Quezon City

BINAWIAN nang buhay sa dami ng saksak ang isang ginang matapos hindi patawarin ang kanyang mister sa Quezon City kahapon ng umaga.

Idineklarang dead on arrival pasado alas-4:47 ng umaga ni Dr. Richard Bilarde ng FEU General Hospital ang biktimang si Beth Domingo, 44, ng Nawasa Lane Brgy. Holy Spirit, Quezon City bunga ng mga saksak sa katawan.

Tinutugis naman ng awtoridad ang itinuturong salarin na si Jomar Garcia, 59, tumakas matapos ang krimen sa kanyang maybahay.

Sinabi ni Joan Embisan, nag-away ang kanyang ama at ina at narinig niya na humihingi ng tawad ang ama ngunit hindi naman niya nabatid kung ano ang kasalanan nito.

Nang magmatigas umano ang kanyang ina at hindi patawarin ang kanyang ama ay kumuha ng patalim ang huli at paulit-ulit na tinarakan ang maybahay. ALEX CHING, Loren Saliva at Maesey Montalban.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply