Nagtitili ang male singer nang kantahin ni Lady gaga ang ‘Born This Way’

HABANG isinusulat ito wala namang balitang hindi matutuloy ang pangalawang gabi ng concert ni Lady Gaga sa bagong-bagong tayong SM Arena sa SM Mall of Asia.

Kagaya kasi ng inaasahan at nakagawian, sa first night ng kanyang performance ay bumubuka-bukaka na naman daw ang kontrobersyal na international singer habang naka-one piece na kasuutan. At nagsalita pa raw ito ng ‘F’, pero ito naman ay dahil sa pagkontra niya sa bullying.

Hindi rin daw inalintana ni Lady Gaga ang threats from conservative Christians dahil talagang hinataw nito ang kantang allegedly blasphemous song na “Judas” at ang gay anthem “Born This Way”.

Nakapukaw naman ng pansin sa mga katabi nitong si male singer na mahilig bumirit sa pagkanta ang kanyang pagtitili habang sinasabayan nito ang themesong ng mga bading na Born This Way. Sa wakas, nakakuha s’ya ng kantang tama para sa kanya. Hahaha!

Touched din sa American pop singer and songwriter ang Filipino audience who is known for her outlandish costumes pero she opened her concert wearing a conservative Filipiniana. Nagsuot din siya ng full-length yellow dress inspired by Philippine national costume. Bale three Philippine Terno-inspired outfits ang sinuot nito.

Anyway, dahil nabulungan na nakabantay sa kanya ang mga kinauukulan sakaling bumanat siya ng todo ng kalaswaan sa kanyang konsiyerto at maaaring ipatigil ang kanyang second performance kaya medyo hindi raw ito nagwala. Ewan natin mamayang gabi, baka itodo niya ang kagagahan. Hehehe!

***

Hit ang pelikula nina Piolo at Angelica

KUNG ang mga pick-girls sa kahabaan ng Quezon Avenue ay flopsina sa customer, ang pelikula ng Star Cinema na Every Breath U Take na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at Piolo Pascual ay patuloy sa pag-pick-up ng moviegoers taliwas sa ipinangangalandakan ng isang TV host na walang credibility. Baka yung kanyang show ang flop dahil kung saan-saang oras ito napupunta.

Ang mga proyekto ng Star Cinema ay pinanonood hindi lamang dahil sa mga bida kundi sa pagkakagawa nito na siguradong magugustuhan ng publiko. Kuha mo?

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply