Nagugutom na Pinoy patuloy sa pagdami

PANAHON na para pangunahan ni Pangulong Benigno Noynoy Aquino ang pagtataas sa antas ng pamumuhay ng mga Filipino at isulong ang genuine reform sa larangan ng paggawa kasama ang pagpapatupad ng mahigit sampung taong nang P125 wage increase sa mga manggagawa.

Ito ang panawagan ng iba’t ibang militant urban and labor groups sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno kasunod ng ulat na patuloy na lomolobo ang bilang ng mga Pinoy na nagugutom sa ilalim ng administrasyon ni PNoy.

Ito ay base sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na tinatayang nasa 4.8 million na Filipino ang walang sapat na kinakain sa bansa.

Batay sa ginawang  pag-aaral na isinagawa noong March 10 hanggang 13, naitalang 23.8 percent sa kabuuang 1,200 respondents ang nagsabing nakaranas sila ng gutom sa nakaraang tatlong buwan.

Ayon sa SWS, tumaas din ang kaso ng “severe hunger” sa bansa kung ikumpara sa survey noong nakaraang Disyembre na umabot lamang ng 22.5 percent.

Una nang inilathala ng survey firm ang nauna nitong survey kung saan 55 percent o 11 million na mga Pinoy ang nagsasabing sila ay mahirap.

Inilabas ng SWS ang nasabing survey result matapos ang isinagawang 45th annual meeting ng Asian Development Bank.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply