Nagwala na naman si Miriam

KAHAPON, Martes, ipinagyabang muli ni Ginang Miriam Defensor Santiago ang kanyang karunungan sa batas.

Ipinaalala niya na siya ay kahihirang palang na miyembro ng International Court of Justice.

Ipinaalala rin niya na siya ay dating judge ng isang Regional Trial Court ng Maynila.

Subalit hindi niya ipinagyabang o ipinaalala na siya ay line of seven sa Bar.

Hindi rin niya ipinaalala na katakot-takot na kaso ang ibinintang sa kanya sa issue ng graft and corruption noong siya ay nagtatrabaho pa sa Bureau of Immigration.

Hindi rin niya ipinaalala sa Impeachment Court na noong isa pa siyang UP professor ay pinagbintangan siya ng carnapping ng isang Vice President ng Philippine National Bank (PNB).

Ang imported Mercedes Benz ng PNB executive vice president na nawawala sa Bureau of Customs subalit nakita na lamang itong ginagamit pala ni Miriam.

At wala rin siyang sinabi tungkol sa graft and corruption na kinasasangkutan ng isang dating RTC judge nang siya ay Comelec chairman na si Ginoong Benjamin Abalos.

Okay lang na hindi na binigkas ni Miriam Santiago ang mga katagang iyan. Totally irrelevant iyan sa impeachment court pero ang pagsisigaw ni Miriam sa Senado ay hindi lamang irrelevant.

Ilang beses ba niyang sinabi ang katagang gago noong ibigay niya ang desisyon niyang not guilty si Renato Corona?

Panahon na upang baguhin ang Senate rules.

Dapat bawal na ang nagmumura, bawal na ang insultuhan. Ito ay labag sa kagandahang asal, sa good manners and right conduct.

Pero water under the bridge na yan dahil si Miriam ay pupunta na sa International Court of Justice.

Bahala na ang ICJ kung okay sa kanila na magsisisigaw si Miriam sa korte at insultuhin ang mga abogadong hindi sang-ayon sa kanya.

May nagsasabing mukhang nababaliw na si Miriam.

May nagsasabi naman na hindi maganda ang up-bringing ni Miriam.

May nagsasabi rin na galit sa mundo si Miriam dahil line of seven lang ang grado niya sa Bar, halos pasang awa. Ako, no comment ako riyan, hehehe.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply