Nagwalang parak dedo sa kabaro

PATAY ang isang miyembro ng Regional Intelligence Office ng Ifugao Provincial Intelligence team makaraang makipagbarilan sa mga tauhan ng Ifugao Provincial Police Office na rumesponde sa kanyang pagwawala.

Nauna rito, si SPO1 Martin Tayaban Jr. ay inireklamo ng isang residente mula sa Kiangan, Ifugao dahil sa pagwawala umano sa isang inuman doon.

Agad namang rumesponde ang mga pulis sa nasabing lugar ngunit bago pa man nila malapitan si Tayaban ay nagpaputok na ito at tinamaan si SPO1 Marcial Dogmas sa kaliwang paa.

Dito na nagsimula ang pagganti ng putok ng grupo ng mga pulis hanggang sa tamaan si Tayaban. Nagawa pa itong isugod sa Ifugao General Hospital ngunit hindi na rin naisalba ng mga doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply