NAIA kinondena sa Tulfo-Raymart brawl

KINONDENA ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., ang kainutilan ng serbisyo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) partikular ang kakapusan ng seguridad at palpak na serbisyo ng airline companies na dahilan ng insidente ng sapakan nitong Linggo.

Ani Revilla, kundi pa nangyari ang suntukan nina Mon Tulfo at Raymart Santiago sa NAIA Terminal 3 ay hindi mailalantad ang kapalpakan ng paliparan.

“Sanhi ng pangyayari, nailantad ang tunay na kalagayan ng ating airport na nagpapatotoo sa pagtataya ng US Federal Aviation Administration (USFAA) at pag-black list ng European Aviation sa paliparan ng Pilipinas,” ayon kay Revilla.

Partikular na tinukoy ng snador ang hindi gumaganang CCTV camera sa baggage carousel area ng NAIA Terminal 3 kabilang ang maling pagresponde ng mga airport security personnel.

“Both parties could have been pacified and there could have been no injuries if only the airport security personnel acted promptly and properly. What made it worse is the non-functional CCTV camera that could have helped determine who made the first violent move,” ani Revilla.

Dismayado rin ang mambabatas sa inirereklamo ngayon dahil sa pagkakansela at pagkakaantala ng flights, overbooking at off-loaded luggage.

“Mauunawaan naman natin kung delayed ang flight, pero hindi naman yata maganda na ililipat ka ng point of destination. Imbes na sa Caticlan Airport, sa Kalibo Airport ka babagsak na halos dalawang oras papuntang Caticlan kung saan ka magbabangka pa patungong Boracay,” wika niya.

“May mga nagreklamo rin sa atin na matapos ang mahigit isang oras na pagpila para mag-check-in, pagdating sa counter saka nila malalaman na delayed na nga ng ilang oras ang flight nila, sa ibang airport pa sila lalapag. Puwede nga namang i-page ka agad o lapitan na sila ng airline personnel. Sa ibang bansa, kapag may nangyaring aberya,  todo-hingi ng pasensiya ang airline companie bukod pa sa mga insentibong ibibigay nila sa mga pasahero.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply