NAIA police na umaresto kay Salonga pananagutin

MANANAGOT ang mga pulis mula sa Eastern Police District (EPD) matapos tangkaing arestuhin si dating Senador Jovito Salonga bunsod nang inilabas na warrant of arrest ng hukuman.

Ayon kay Vice President Jejomar Binay, nakalulungkot at hindi man lang kinonsidera ng mga pulis ang kalusugan ng dating Senate President, bagkus ay nais pa yatang ipahiya si Salonga sa mata ng publiko.

Kinuwestiyun din ni Binay ang motibo ng pulisya sa pag-aresto kay Salonga, samantalang maaari namang ipadaan ang mandamiento de aresto sa abogado upang makapag-piyansa ang dating taga-pangulo ng Liberal Party.

Aniya, dapat ikinonsidera ng pulisya ang estado sa buhay ni Salonga bilang isang statesman at tagapagtanggol ng karapatang pantao bago inihain ang warrant of arrest.

“There should have been consideration given by the police not only to his advanced age and frail condition, but to his stature as one of the leading lights of the struggle for democracy and a pillar of governance,” pahayag pa ni Binay.

Nangako rin si Binay na handang magbigay ng legal na tulong ang kanyang tanggapan sa pamilya Salonga.

Ayon sa nakababatang Steve Salonga, may sakit na Alzheimer’s disease at senile dementia ang kanyang ama simula nang pumanaw ang kanyang ina noong 2010.

Ang pag-aresto sa 91-anyos na dating senador ay bunsod ng inilabas na warrant of arrest ng Pasig Regional Trial Court Branch 265 sa kasong estafa na inihain ni Doktot Restituto Bienviaje.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply