NAIA security agency pinagpapaliwanag na sa Raymart-Tulfo scuffle

ULTIMATUM na 48 oras ang ibinigay ng PNP-Supervisory Office for Security and Investigation Agency sa Ency Lanting Security Agency para magpaliwanag sa naganap na bugbugan sa pagitan nina Ramon Tulfo at mag-asawang Raymart at Claudine Barreto nitong Linggo.

Kanina ay pinadalhan na ng notice ang nasabing security agency para sagutin ang ilang sinasabing lapses kaya lumala ang away ng magkabilang panig.

Pangako rin ng PNP-SOSIA na sa Biyernes ay tapos na ang kanilang imbestigasyon hinggil sa insidente at posibleng suspensyon ng lisensiya para makapag-operate ang ipapataw sa nasabing security agency depende sa kalalabasan ng kanilang pagsusuri.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply