Nakagisnang wika gagamitin hanggang Grade 3– DepEd

IPATUTUPAD na ngayong school year ng Department of Education (DepEd) ang paggamit ng kinagisnang wika mula kinder hanggang Grade 3, maliban sa English at Filipino subject.

Ito ay alinsunod sa bagong curriculum na K-12 program ng kagawaran.

Ang 12 napiling dayalekto ng DepEd ay kinabibilangan ng Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Maranao at Chabacano.

Pagdating naman sa Grade 4 hanggang Grade 12, English na ang gagamitin sa karamihan ng mga subject.

Naniniwala ang kagawaran na pamamagitan ng bagong panuntunang ito ay mas tataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply