Nakipaglamay sa Quezon City pinatay

MATAPOS makiramay sa namayapang kakilala, pinaglalamayan na rin ngayon ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kagabi sa Quezon City.

Alas-7:40 ng gabi nang ideklarang patay ni Dr. Melissa Babida ng East Avenue Medical Center si Jonathan Fernando, 55, construction worker, at residente ng #79 San Lorenzo Martan St., Barangay Commonwealth, Quezon City.

Ayon sa ulat, nakikipaglaro ng baraha ang biktima sa iba pang naglalamay nang dumating ang suspek na armado ng hindi pa nabatid na kalibre ng baril at agad pinaputukan ang una.

Agad tumakas ang suspek sakay ng nag-aabang na motorsiklo matapos masigurong napatay nito ang biktima.

Palaisipan naman sa mga kamag-anak ng biktima ang motibo sa pamamaslang dito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply