Nakumpiskang P700-M pekeng signature bags, ginutay

GINUTAY-gutay ang P700 milyong pisong halaga ng pekeng signature bags na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) Intellectual Property Rights Division (IPRD) operatives noong Agosto 2011 para hindi na maibalik at maibenta pa sa local na merkado.

Ayon kay Customs Commissioner Ruffy Biazon, ang pagwasak sa pekeng ilegal na kalakal ay nakumpiska sa isang stall sa Kings Plaza sa Binondo, Manila nitong nakaraang taon ay parte ng kampnya ng ahensya para maprotektahan ang local economy, particular ang local employment.

“The destruction today of these illegally imported fake high-end bags will not only result in the preservation of thousands of local jobs, but this will also help save the Filipino consumers from being duped into buying fake high-end imported goods in the local market,” pahayag ni Biazon.

Bukod pa rito, masasagip din ang local business community mula sa unfair competition na dala ng pagpasok ng mas mura pero mababa ang kalidad na pekeng imported goods,” dagdag pa ni Biazon.

Sa parte naman ni BOC Commissioner for Intelligence Group (IG) Danilo Lim, ipinaliwanag nito na ang pagsira sa mga illegal na kalakal ay isang standard procedure sa Bureau of Customs na hinihingi ng batas.

“We cannot allow these fake goods to stay any longer in the custody of the BOC as it might find its way back into the local market,” pahayag ni Lim.

Ang BOC-IG ay direktang sinu-supervise ang IPRD na pinamumuan ni lawyer Zsae Carrie De Guzman.

Sa parte ni De Guzman, sinabi nito na ang pagsalakay sa Kings Plaza sa Binondo, Manila ay sa pakikipagkoordinasyon sa may-ari ng sikat na brands tulad ng Louis Vuitton, Prada, Chanel, Burberry, Gucci, Balenciaga at Givenchy.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply