Nalubak na bus sumalpok sa truck

DINALUPIHAN, Bataan-Sugatan ang sampu katao kabilang ang driver na naputol ang paa matapos bumangga ang isang tourist bus sa kasalubong na delivery truck nitong Biyernes ng tanghali.

Kapwa nawasak ang unahang bahagi ng tourist bus at delivery (forward) truck sa lakas ng pagsasalpukan.

Nawala umano sa linya ang bus nang malubak ang kanang gulong sa unahan na naging dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver at tumbukin ang kasalubong na trak na nasa kabilang linya ng kalsada sa Brgy. Naparing, Dinalupihan.

Naputol ang kaliwang paa ng driver na si tourist bus na si Darwin Dizon, 36-anyos, ng Baruya, Lubao, Pampanga habang sugatan din ang pito niyang pasahero kabilang ang apat na may edad 12 -16.

Dinala sa Dinalupihan District Hospital ang mga nasugatan at matapos malapatan ng paunang lunas ay inilipat sa Jose Lingad Memorial Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Kapwa nagtamo rin ng mga sugat sa kamay at paa ang driver ng delivery truck na si Julius Talledo at pahinanteng si Larry Conjurado, na mga residente ng San Miguel, Bulacan.

Ayon kay Talledo, galing sila sa Olongapo City at pauwi na nang mabangga ng bus bandang alas-10:45 ng umaga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply