Namamasadang tsuper itinumba sa Cabanatuan

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija – Patay ang 40-anyos na tricycle driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang namamasada sa kahabaan ng Nueva Ecija-Aurora Road, Barangay Bantug Norte, kapaon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Alberto Rillon Jr., ng Barangay Valle Cruz, nasabing lungsod.

Samantala, hindi naman pinangalanan sa report ng pulisya ang tatlong pasahero ng biktima na nagtamo ng sugat at galos sa katawan nang bumangga ang sinasakyan nila matapos mabaril ang biktima.

Dinala ang mga ito sa Dr. Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center.

Sa imbestigasyon, nabatid na alas-11:00 ng umaga noong Huwebes, ihahatid sana ng biktima ang tatlo nitong pasahero sa city proper ng Cabanatuan nang pagbabarilin ng gunman na sakay naman ng kulay itim na Bajaj motorcycle na wala umanong plaka.

Inaalam pa rin ng pulisya ang motibo sa pamamaslang sa biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply