Nanalo sa sugal, kinatay

SA halip na pera, kamatayan ang kapalit ng pagkapanalo sa larong cara y cruz ng isang binata matapos pagsasaksakin ng kanyang kalaro sa Valenzuela City kagabi.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival sa Polo Hospital dahil sa mga saksak sa katawan ay nakilalang si Richard Millario, 34, ng Molina St., Viente Reales ng nasabing lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si Jaime Mulig at kasamang nakilala lang sa alyas na Totong, parehong kalugar ng biktima.

Nabatid na alas-10:00 ng gabi, kalaro ng biktima sa cara y cruz si Mulig ngunit hindi nagbayad ang huli nang tumama si Millario.

Nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa hawakan ni Totong ang biktima habang sinasaksak ito ni Mulig.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply