Ina ng election officer sa CamSur utas sa bundol

PATAY agad ang 81-anyos na ina ng Camarines Sur provincial election supervisor at dating town mayor matapos aksidenteng mabundol ng motorsiklo sa Barangay San Roque, Iriga City sa Camarines Sur.

Batay sa police report, daglian ang naging kanmatayan ni Conchita Badiola, ng San Nicolas dahil sa malakas na pagkakabundol sa kanya.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Iriga PNP , tumatawid sa kalsada ang biktima nang mabundol ng motorsiklong minamaneho ng isang Erwin Urban, 32, ng Narra St. Zone 5, Bgy. Nicolas, nasabing lungsod.

Dahil sa lakas ng impact ay tumilapon ng ilang metro ang biktima na nagtamo ng maraming sugat sa kanyang katawan.

Hawak na ng awtoridad ang nakabundol na napag-alamang wala palang lisensiya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply