Nangulila sa buhay, tatay nagbigti sa hose

DALA ng depresyon at pangungulila, isang tricycle driver ang nagbigti sa pamamagitan ng hose na pandilig sa mga halaman sa Ilocos Norte, Lunes ng gabi, Abril 30.

Ani Police Senior Inspector Clemente Serealde, officer in charge chief of police sa Pagudpud na ang biktima ay si Romeo Balitabok, 56, ng Barangay Saud, Pagudpud, Ilocos Norte.

Sa ulat ng Camp Crame, natuklasan ang insidente alas-8:30 kagabi sa bahay ng biktima.

Bago ito, naghapunan ang biktima at ang isa niyang anak na lalaki sa bahay ng isa pa nitong anak ngunit matapos kumain ay umuwi rin ito agad.

Ilang minuto lamang ang nakalipas, umuwi na rin ang anak ng biktima pero dahil nakakandado ang pintuan sa harapan ng  bahay ay umikot ito sa likod para dumaan sa kanilang kusina.

Pero sa kanyang pagpasok ng bahay, tumambad sa kanya ang nakabitin nang katawan ng biktima.

Base sa nakalap na impormasyon sa pamilya ng biktima, nakararanas ng matinding depresyon si Balitabok dahil mag-isa na halos itong namumuhay sa kanyang bahay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply