Naningil ng pautang pinatay sa Cubao

TODAS ang isang drayber ng passenger van  na naniningil ng pautang  nang barilin ito ng isang security guard ng Farmer’s Plaza sa Cubao Quezon City kaninang umaga.

Namatay habang ginagamot sa Quirino Memorial Medical Hospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Nestor dela Rosa, drayber ng pampasaherong van.

Sugatan din at isinugod din sa nabanggit na ospital sanhi ng tinamong tama ng bala sa katawan ang suspect na si Jonas Remedios, guwardiyang nakatalaga sa Farmer’s Plaza sa Cubao at isang nagngangalang Ronald Mangahas, isang jeepney barker sa lugar.

Naganap ang insidente dakong alas 8 ng umaga sa mismong parking area ng Farmer’s Plaza sa Cubao.

Ayon sa imbestigasyon ni P02 Spartacus Pareidan, ng QCD-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), bago ito ay sinisingil ng biktima ang suspect sa pagkakautang nito.

Pero imbes magbayad ng utang, binaril ni Remedios si Dela Rosa.

Nasaksihan naman ni Jail Officer 1 Jershwin Evangelista ang insidente kaya tinangka niyang awatin si Remedios pero binaril din siya nito.

Sa kabutihang palad, hindi naman tinamaan si Evangelista kaya biglang pagtatanggol sa sarili ay gumanti ito ng putok at tinamaan si Remedios.

Minalas namang tinamaan si Mangahas at dinala rin sa nabanggit na ospital sanhi ng tama ng bala sa katawan. Hindi naman nabanggit na pulisya kung sino ang nakatama kay Mangahas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply