Napakasamang biro!

NARITO, Suki, ang konting usapan ng kontraktor ng Department of Public Works and Highways at may shop ng sasakyan sa isang bayan sa Bulacan.

Shop owner: bakit naman ninyo pinagbubungkal ang harapan ng aking shop. Mawawalan ako ng kostumer sa pinaggagawa ninyo.

Kontraktor: Eh bahagi po kasi ito ng road repair at road construction.

Shop owner: Noong nakaraang eleksyon lamang ginawa ito a.

Kontraktor: Kahit na, bahagi pa rin ng proyekto.

Shop owner: hindi pa naman sira, a, bakit sinira ninyo?

Kontraktor: Ewan namin kay kongresman.

Shop owner: bakit si kongresman ba ang may proyekto nito?

Kontraktor: opo.

Shop owner: magkano ba ang badyet yang limang kilometrong pinagbubungkal at sinisira ninyo?

Kontraktor: P100 milyon, kabilang na ang dalawang tulay at ilang widening.

Shop owner: ganun ba? Magkano ba kay…. kongresman?

Kontraktor: SOP? Karaniwang 20 porsyento.

Pero ewan ko sa usapan nila ng DPWH.

oOo

Ituloy natin, Suki, ang usapan.

Shop owner: Paano naman kayo?

Kontraktor: Gusto na rin namin ito, kahit hindi pa sira ang kalsada, ire-repair namin.

Shop owner: Bakit?

Kontraktor: Paano, kung wala kaming proyekto, nalulubog kami sa pautang sa aming mga tauhan. At saka hindi namin mababayaran ang mga hinuhulugan naming mga makinarya: buldoser, backhoe, cement mixer, dump truck, grader, etsetera.

Shop owner: ganun ba? E milyon nga ang halaga ng mga makinarya. Natural na dapat makabawi kayo.

Kontraktor: Kaya basta inorder ng DPWH na sirain namin ang mga kalsada at tulay, ginagawa namin kahit hindi sira ang mga yan!

Shop owner: hindi ba masamang biro yan? Kahit maubos ang buwis namin basta kumita kayong lahat?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply