Nars tumanggap ng Commander award

ISANG registered nurse ang itinanghal na valedictorian ng Philippine Army’s Candidate Soldier Course at nanguna sa may 96-member Class 291-2011.

Si Marc Henri Fermin, registered nurse na nagmula sa Barangay Look sa Calatrava, Negros Occidental, ay nanguna sa mga nagsipagtapos sa Army’s Candidate Soldier Course at second at third-placers naman ang criminology at computer science graduates.

Nabatid na ang mga bagong graduates ay sumailalim at nag cross-trained sa jungle warfare sa Camp Macario Peralta Jr., headquarters  sa Phil Army’s 3rd Infantry Division sa Jamindan, Capiz.

Ayon kay Army Spokesman Maj Harold Cabunoc, patunay lamang ito na pino-professionalized ng AFP ang Hukbong Katihan at marami ng mga professional ang naakit na pumaloob sa military service.

“Their graduation showed that the military is making headway in attracting professionals from other fields,” ani Cabunoc.

Inihayag pa ng Army na mas maraming  professionals ang naakit na mag-enlist sa military dahil na rin sa pagsisikap na magrecruit and retrain “the best and the brightest.”

Natanggap ni Fermin ang Commander Award mula kay  Maj. Gen. Jose Mabanta Jr., 3ID commanding general, habang sina Benjie Artuz ng Barangay Agdahon sa  Cuartero, Capiz, ay No. 2 at isang criminology graduate at pasado sa  board exam habang ang third placer naman na si Keneth Edmun Hilongos, na mula Purok Datu Kaka, Cotabato City ay isang computer science graduate.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply