Nasibak na Butuan judge matagal na palang patay

MATAGAL na palang patay ang Butuan judge na kamakailan lamang ay dinismis dahil sa daan-daang kasong nakabinbin bago pa nagpalabas ng desisyon ang Korte Suprema, ayon sa Integrated Bar of the Philippines sa Agusan del Norte chapter nitong Linggo (Mayo 20).

Sinabi ni lawyer Gil Unaya, dating legal officer ng Commission on Human Rights, Cagara regional office, na nalungkot ang IBP sa pagkakasibak sa judicial service sa namatay na Butuan City Municipal Trail Court Judge James Go.

“His family may not receive the benefits accorded to him,” pahayag pa ni Unay.

Kinumpirma ni Unay na namatay si Go sanhi ng karamdaman pero hindi naman idinetalye nito ang eksaktong petsa ng kanyang pagkamatay.

Inilarawan ni Unay si Go na “as a very understanding and lenient judge.”

“When local lawyers would seek re-scheduling or re-setting of hearings due to hectic schedules, he would not hesitate to grant one. He was a very kind judge because he did not want the accused harmed by the authorities,” dagdag pa ni Unay.

Si Go aniya ay tubong Cagayan de Oro City at mula sa maayos ay kilalang pamilya.

Sa isang decision nitong nakaraang  April 10 pero ipinalabas lamang nitong nakaraang linggo, inaprubahan ng SC ang rekomendasyon ng  Court Administrator Jose Midas Marquez na iodismis ang Butuan judge sa the judicial service.

Sinabi pa ni Unay na naniniwala siya na kaya hindi nalutas ni  Go ang kanyang mga hawak na kasong kriminal o motions na nakabinbin sa kanyang sala dahil sa kahilingan ng mga abugado sa re-schedule o postpone ng mga court hearings.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply