National Press Club mahalin

DAPAT mahalin ng mga batang media ang National Press Club.

Sa pagmamahal sa NPC na isa nang pambansang institusyon,  nakasisiguro rin tayo ng matatag na pagkalinga nito sa mga batang media sa kanilang  mga batayang karapatan para sa malayang media,  malayang pamamahayag at malayang buhay-media.

Noong panahon ng Martial Law, nakita ang NPC na kanlungan ng mga batang media.

Kahit mababagsik noon ang mga militar at pulis, kahit papaano’y hindi nila basta pinapasok ang NPC upang arestuhin lang ang mga mukhang hindi nila nagugustuhan.

At kahit ang mga ibinibilanggo noon ay sa NPC nakalalaya, ‘di ba, Ka Satur Ocampo?

Sa mga oras ng curfew noon, tumakbo ka lang sa NPC compound at malaya ka na sa kuko ng mga luko-lukong utak pulbura noon.

Ganyan ang NPC sa matitinding kalagayan.

oOo

Nananatili ang NPC na kanlungan ng mga batang media sa lahat ng panahon at pagkakataon.

Lalo na ngayon na minamasaker o sinasalvage ang mediamen, higit na pinaiigting ng NPC ang pagkalinga sa atin.

Ipinaglalaban nito ang mga buhay at karapatan ng mga nababalo at nauulila.

Naririyan din ang pagpapalaya pa rin sa mga nabibilanggo at pag-alalay sa mga sinasampahan ng kaso, kabilang na ang pagbibigay ng piyansa sa mga ito.

Isinusulong din ng NPC ang edukasyon ng mediamen mismo at ng kanilang mga pamilya, kasama na ang na-simulang programa para sa pabahay.

At sa oras ng pagkakasakit, disgrasya at kamatayan ng mediamen, gumagawa rin ang NPC ng paraan upang gumaan ang kalagayan ng mga ito.

oOo

Ngayong halalan sa NPC, dapat nating alalahanin ang lahat ng ito.

Walang puwang sa atin ang mga siraan.

Sa halip, piliin natin na mamuno at maglingkod sa NPC ang may tunay na pagkalinga sa mga batang media.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply