Natulog sa tricycle ginilitan

LASLAS ang leeg ng 50-anyos na lalaki matapos makatulog dala ng matinding pagod sa loob ng nakaparadang tricycle sa Cubao, Quezon City kahapon.

Inoobserbahan pa sa East Avenue Medical Center si Romano, alyas Tawa, isang street sweeper bunga ng mahabang hiwa sa leeg.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, bandang alas-4:30 ng hapon nang mapansin ng traffic enforcer na si Adolfo Regodula ang biktima na duguan ang leeg sa loob ng tricycle na nakaparada malapit sa panulukan ng Aurora Boulevard nang bigla na lamang pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek at kung ano ang motibo nito.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply