Navotas VM PJ Javier

ANG kilalang pamilya ng mga Javier ay ‘di na bago sa larangan ng pulitika at serbisyo publiko sa mga mamamayan ng lungsod ng Navotas.

Katunayan, isang ‘Javier’ na ang naging alkalde sa makasaysayang baybaying siyudad ng ito ng Metro Manila.

At sa kasalukuyan, isa pang ‘Javier’ ang gumagawa ng pangalan sa ‘puso’ at ‘damdamin’ ng mga Navoteño.

Siya ay si Vice Mayor PJ Javier.

Sino nga ba si PJJ?

‘Di natin lubos na kilala, pero sa mga natatanggap nating ulat, napakaraming magagandang kuwento ang mga taga-Navotas tungkol sa  bise alkalde.

‘Small but terrible’, kung  isalarawan si VM Javier ng mga residente ng isang lugar ng lungsod na nakahuntaan kamakailan ng Chokepoint.

Subalit  giit nila (residente), maliit man daw ang kanilang pangalawang punong lung-sod, kung magserbisyo na-ma’y daig pa ang isang six-footer.

Sa seryosong usapan, walang negatibo, bagkus ‘all praises’ sila sa serbisyo ni PJJ bilang kanilang vice mayor.

Kuntento, anila, sila sa style ng pamamahala ni VM Javier.

Busilak ang kanyang puso na laging handang tumulong sa katulad naming mahihirap, mariin nilang kuwento.

Ngunit may pangamba ang kanilang mga tinig dahil mahigit isang taon na lamang daw nilang nanamnamin ang serbisyo ng butihing VM.

Dahil sa susunod na May 2013 matatapos na ang ika-tatlo at huling termino at ‘di na puwedeng tumakbo pang bise alkalde si PJ Javier.

Sa ngayon, anila, ‘di pa nila batid kung ano ang balak ni VM Javier sa darating na halalan.

Marahil, nag-iisip na rin ang butihing bise alkalde kung ipagpapatuloy pa niya ang serbisyong pinutol ng three-term law.

Maaari namang subukan ang pagiging punong-lungsod, pero magdadalawang-isip ito dahil ang makakalaban ay ang mga Tiangco.

Marami ring dahilan ang maaaring isaalang-alang ni VM Javier kung sasabak na ba ito para sa pagka-alkalde sa darating na halalan.

Pero, saganang atin, ‘di dapat hadlang ang maraming dahilan para maipagpatuloy niya ang serbisyong nata-tanggap ng kanyang mga kababayan.

Kaya payo natin kay PJJ, gooooo ka sir sa May  2013 elections. Kailangan ka ng mga Navoteño.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply