Nawala ang tikas: Mon Tulfo sinakal ni Raymart, kinalmot ni Claudine at pinagsusuntok ng kasamhan

NAGKAGULO nu’ng isang araw sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 dahil sa upakan nina Mon Tulfo at Raymart Santiago, Claudine Barretto at mga kasama kung saan nadehado ang sikat na Broadcaster/columnist.

Marami ang nagtatanong kung nasaan ang mga bodyguards ni Mon Tulfo? Bakit umabot sa puntong nasakal siya ni Raymart, kinalmot at gusto pang kubabawan ni Claudine at pinagsusuntok naman siya ng kasama nang mag-asawa.

Base sa napanood naming video footage na kumakalat ngayon sa internet, hindi makawala si Sir Mon sa pagkakasakal sa kanya ni Raymart kaya sinamantala ito ng isang kasama nilang malaking lalaki na nakasuot ng kulay pink na damit at white shorts at inupakan siya ng inupakan sa mukha, samantalang si Claudine ay gigil na gigil na hinatak at kinalmot ang sikat na broadcaster/columnist.

Nagmistula namang parang walang kinain ang mga sekyu sa paliparan dahil matagal bago nila nasaway ang mga nag- aaway. Kaya yung malaking mama ay nakabuwelo tuloy para bombahin ng suntok ang kuya ng Tulfo Brothers.

Sa tingin namin ay magkakaayos din sila.

o0o

Erwin handang lumaban kay Raymart!

ALAM nating magri-react ang mga kapatid ni Sir Mon sa pangyayari kaya heto nga’t agad na nagpahayag ng kanyang saloobin ang bunsong si Erwin Tulfo.

Sa programa nitong Punto Asintado kasama si Martin Andanar sa AksyonTV, sinabi ng huli na hindi naman daw nito hinamon ng laban si Raymart, na-misquote lang daw siya ng isang reporter na nag-interview sa kanya. Pero nilinaw niyang handa siyang makipag-usap sa aktor.

“Sabi ko, ‘E, wala naman problema sa akin kung ano ang gusto ni Raymart. Okey lang sa akin. Mahirap naman yung tataguan ko siya, kung ano ang gusto niya,’” sabi ni Erwin.

“Para kay Mr. Santiago, boss, ako naman, e, ready anytime. Nandito naman ako. Sabihin mo lang kung saan mo gusto na magkape tayo. Wala namang problema sa akin ‘yon.

“Okey lang sa akin kung natatakot ka na mag-isa ka lang. Dalhin mo yung walo na ‘yon. Walang problema ‘yon. Pati si Ms. Claudine, isama mo para siyam kayong lahat.

“Pero dapat yung pagkakapehan natin, medyo malaki-laking lugar. At saka walang tao. Walang puwedeng pumigil sa atin para kahit magsigawan tayo nang malakas, walang makapipigil at walang makakikita ng video para fair play.”

Sinabi rin ni Erwin na i-text na lamang siya ni Santiago para malaman niya kung saang lugar sila magkikita para makapag-usap.

Anyway, ang pagkakamali lang daw nilang magkakapatid ay mahilig silang tumulong kahit kanino lalo na yung maliliit.

“Ito ang masamang ugali namin. Kapag may nadaanan kami na humihingi ng tulong, yung maliliit na kapatid natin, hindi namin napipigilan na makikialam. Na lalapit kami dahil ‘yon ang turo ng tatay namin.”

“Na kapag may nakikita ka na inaapi, parang instinct na rin sa amin,” ayon pa sa mas batang Tulfo.

o0o

Ibang miyembro ng Wonder Gays nakatikim na ng babae

MAY malaking birthday concert si Lito de Guzman sa Zirkoh  Morato sa Mayo 10, 2012, kaya muli nitong pinaharap sa press people ang mga alaga niyang bading, ang Wonder Gays.

Nalaman naming yung iba pala sa kanila ay may experience sa mga babae. Si White may anak pa at si Blue naman ay umaming nakaapat na girlfriends. Lahat daw ng mga babaeng ‘yun ay tinikman niya.

Ano kaya ang lasa? Hehehe!

Gayunman, sinabi naman ni Blue na mas nasisiyahan pa rin siya sa mga lalaking nakatalik niya kung ikukumpara sa mga babaeng nagdaan sa kanyang mga kamay. Kahit sa kapwa bading ay puwede rin daw ito.

Anyway, isang fund raising show pala ang magaganap na concert sa birthday ni Lito at ang proceeds ay ibibigay nang buo sa My Father’s Orpanhage, ang paboritong charity organization ng naturang manager.

Star-studded ang show na ito dahil tatampukan ito ng mga kaibigan ni Mother Lito gaya nina Troy Montero, Patrick Garcia, Kris Lawrence, Rowell Quizon, Valerie Concepcion, Stef Prescot, Denise Laurel at Glaiza De Castro.

Kasama rin ang lahat ng mga alaga ni Tolits na sina Blanktape, Raia Quiroz, Paolo Rivero, Kiko Pacquiao at ang Baywalk Bodies.

Nagpapasalamat naman si Mr. Guzman sa kanyang mga sponsors na sina Mommy Tess Palado, Annabelle Ledesma, Rolly Estrella Pawnshop, Congressman Guillermo Romarate, Jr. ng 2nd District ng Surigao Del Norte, Dr. Raul Guanzon, QC Councilors Raquel Malangen and Ranulfo Rannie Ludovica, Ms. Juvy Parungao, Ms. Jenny Pangilinan at Ms. Gelai Hernandez.

For ticket reservation and inquiries, tumawag po lamang LDG Talent Management Services sa tel. nos. 4411276. Hanapin lang po si Icon Cabalejo.

o0o

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type la- mang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply