NBI agent patay sa ambush sa Antipolo

PATAY ang isang ahente ng National Bureau of Investigation nang tambangan ng hindi nakilalang mga suspek habang sakay ng kanyang Toyota Fortuner sa Antipolo City.

Idineklarang dead on arrival sa pagamutan  ang biktima na si Atty. Lenadro Taborda, 43, NBI agent, ng VV. Soliven Greenheight Subd. Bgy. Mayamot , Antipolo  City.

Nabatid na paalis pa lamang ng kanilang bahay si Taborda sa Antipolo City sakay ng kanyang Fortuner (ZPE 530) nang pagbabarilin ng suspek dakong alas 3:00 ng hapon.

Kaugnay nito, nakatutok na ngayon ang Rizal PNP  sa pagsasagawa ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga kriminal at motibo sa pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply