NDRRMC nakaalerto sa pagbubukas ng klase sa Hunyo

NAKAALERTO na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa para sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Tiniyak ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos na handa na silang tumugon sa anumang emergency case  na may kaugnayan sa pagbubukas ng klase.

Sinabi ni Ramos na ikakasa na nila ang blue alert simula sa Hunyo 1 na nangangahulugang may sapat na tauhan ang NDRRMC para rumesponde sa anumang sitwasyon.

Ayon ka Ramos simula Hunyo 4 o mismong araw nang pagbubukas ng klase ay ipatutupad nila ang ‘red alert’ status hanggang Hunyo 10.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply