Negosyante dinukot sa Las Piñas

NAGSASAGAWA na ngayon ng malawakang manhunt operation ang mga tauhan ng Las Piñas City Police para matunton at madakip ang mga dumukot sa isang negosyante sa lungosd kaninang umaga.

Batay sa ulat ni Las Piñas City Police Chief Sen. Supt. Romulo Sapitula, nagbibisikleta ang biktima na kinilalang si Vincent Cordero nang harangin ng isang armadong lalaki sa Daang Hari, Las Piñas City.

Nabatid na sinusundan ang biktima ng kanyang drayber nang biglang tutukan ng baril ang negosyante nang harangin ng anim hanggang pitong lalaki na nakasuot ng traffic uniform at armado ng long at shor firearms.

Sapilitang isinakay ang biktima sa puting Mitsubishi Adventure at dinala sa hindi pa mabatid na lugar.

Sa ngayon ay kumakalap ng impormasyon ang awtoridad para sa ikalulutas sa pagkakadukot sa negosyante.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply