Negosyante nilikida sa Pangasinan

PATAY ang isang negosyante matapos itong barilin ng riding in tandem sa Barangay Unzad sa bayan ng Villasis, Pangasinan kahapon.

Nakilala ang biktima na si Igmelio Esteba, 57, negosyante at residente ng bayan ng Malasiqui.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na habang binabagtas ng biktima sakay ng kanyang motorsiklo ang nasabing lugar pauwi sa kanilang bahay ay bigla na lang siyang binaril ng hindi nakikilang mga suspek.

Nagtamo ang biktima ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Posible umanong sinundan ang biktima at nang makatiyempo ang mga suspek ay saka ito pinaputukan.

Natagpuan naman sa lugar ang tatlong basyo ng bala ng kalibre 45 na baril.

Hinihinalang may kinalaman sa negosyo ng biktima ang motibo sa krimen.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply