Negros Occidental niyanig ng 4.1 magnitude lindol

NIYANIG ng magnitude 4.1 na lindol ang Negros Occidental ayon sa ulat Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Wala namang iniulat na nasaktan sa lindol na naganap ala-1:29 ng hapon kanina.

Sa report ng Phivolcs, nasa 13 kilometro hilagang kanluran ng bayan ng Hinoba-an naitala ang epicenter ng pagyanig.

Naramdaman din ang paglindol sa Hinoba-an, Negros Occidental; intensity 3 sa Sipalay at Cauayan, Negros Occidental; intensity 2 sa Hinigaran, Negros Occidental at Bawayan City, Negros Oriental.

Tectonic in origin ang dahilan ng paglindol.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply