Newcomer actor na produkto ng reality show at sikat na male singer magka-fling

ZINOLALA ang newcomer actor na mula sa isang Reality Show na ka-fling raw ng sikat na male singer na matagal ng pinagdududahan ang gender? Yes, hindi pa raw nagjo-join noon sa nasabing reality show si actor ay magkaki- lala na sila ni singer na biritero.
(Hello, JM, is that you pare? Hahahahahaha! – Ed)

Actually magkakabarkada na sila kasama ang controversial actor na nag-fly sa Tate pero balik-Pinas dahil may gagawing project sa TV Network kung saan siya naka-kontrata.

Hindi naman daw totally mag-on ang ating parehong subject pero may naganap ng milagro sa pagitan ni baguhang actor at noong singer na naging karelasyon dati ng sikat na sexy comedienne na lumipat na ng ibang istasyon. Heto na ang latest, pinag-usapan talaga sila nang sabay silang dumating sa party ng isang personalidad.
Kasi pag-alis nila, sabay rin silang umalis sakay ng isang kotse lang.

Eh, saan pa ba sila pupunta? Tinatanong pa ba ‘yan? Siyempre, chorvahan na naman sila to the max buong magdamag. What else is new? Mga talu-talo uso gyud!

***

Nakaaaliw Talaga ang Eat Bulaga!

Maraming nag-text sa amin the other day para sabihing nag-enjoy sila nang husto sa Eat Bulaga particularly ‘yung portion na  dumadalaw sa mga barangay sina Paolo Ballesteros at Anjo Yllana at namimigay ng ‘grasya’.

Hindi raw nila mapigilan ang matawa sa kwentuhan nina Bossing Vic Sotto nasa studio siyempre samantalang nasa labas naman sina Anjo at Paolo.

Hindi raw talaga nila mapigil ang di matawa habang kinakausap nina Bossing, Anjo at Paolo ang medyo senile ng matanda na kwelang-kwela ang mga kasagutan sa mga kwela ring katanungan ni Bossing.

Hahahahahahahaha!

Anyway, as usual, ang daming pinamigay (fifty thousand in cold cash aside sa iba pang kabuhayan) sa nasabing barangay ang Eat Bulaga.

Kaya naman unmatched at di talaga ito kayang gibain ng mga kakumpetensiya ay dahil sa may puso ang show at di lang umaarte ang mga hosts rito kung pakikisalamuha sa ating mga kababayan ang pag-uusapan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply