News writer, mister niratrat sa Quezon City

TATLONG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang driver habang malubha namang nasugatan ang misis nito na umano’y isang freelance news writer matapos silang pagbabarilin sa Quezon City
kamakalawa ng gabi.

Namatay sa lugar ng insidente ang biktimang si Eduardo Trasmanio, 48-anyos, residente ng #61 Jonas St., Freedom Park VI, Batasan Hills, ng nasabing lungsod bunga ng tatlong tama ng bala sa ulo at isa sa likod. Inoobserbahan naman sa FEU Hospital ang asawa nitong si Edna, 46-anyos, dahil sa mga tama ng bala sa kaliwang kamay, kaliwang tuhod at kanang hita.

Nakaligtas sa pamamaril ang anak ng mga Trasmanio na si Eddie Boy.

Sa ulat ni SPO1 Mamerto Gorne ng QCPD Station 6 , nangyari ang pamamaril bandang alas-8:30 kamakalawa ng gabi sa harap ng isang sari-sari store sa Batasan Hills, Q.C.

Nakatayo umano ang mag-asawa sa gilid ng kalsada kasama ang kanilang anak nang lapitan sila ng tatlong kalalakihan at agad pinagbabaril.

Nakuha sa lugar ng insidente ang apat na basyo ng bala ng kalibre .9mm at dalawang basyo ng bala ng kalibre. 45 pistola.

Palaisipan pa sa mga imbestigador ang motibo sa pamamaril.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply