Next China ambassador sumalang sa hot seat

SUMALANG na sa hot seat ang isa sa dalawang kandidato sa posibleng ipapalit na Philippine Ambassador to China.

Sa katunayan ay inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Foreign Affairs (DFA) na dagdagan ang nasa shortlist ng mga pagpipilian.

Nais ng Punong Ehekutibo na magkaroon ng iba pang pagpipilian para makuha ang pinakaangkop na nominee lalo pa at sensitibo ang puwesto sa Beijing.

“I have already interviewed one and there’s another candidate (to be interviewed),” ayon kay Pangulong Aquino sabay sabing “We are still looking (for more candidates).”

Ang unang nainterbyu ng Pangulong Aquino ay isang career official na inirekomenda mismo ni Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.

Matatandaang bumitaw na si Domingo Lee sa kanyang nominasyon makaraang tatlong beses na ma-bypass ng Commission on Appointments (CA).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply