NMIS popondohan na ng DA

NANGAKO ngayon ang Department of Agriculture na popondohan nila ang National Meat Inspection Service (NMIS) upang lalo nilang mapagbuti ang kanilang trabaho.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso Alcala kailangang suportahan ang NMIS upang mapigilan ang pagkalat ng smuggled pork at chicken, partikular na ang botcha na nakasasama sa kalusugan.

Hindi umano totoo ang balitang may sinibak silang opisyal sa NMIS dahil wala naman silang kasalanan sa pagpasok ng smuggled pork sa bansa.

Pwede umano silang sisihin kung kumalat sa palengke ang nasabing iligal na karne dahil hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho.

Ang NMIS umano ang nanghuhuli ng iligal na karne kaya mas dapat na suportahan sila kaysa sibakin.

Ginagawa umano nila ang kanilang tungkulin kaya sa halip na pagalitan ay dapat pa silang purihin.

Gayunman, inamin ni Alcala na kulang ang kanilang tauhan upang mai-monitor ang lahat ng malalaking palengke sa Metro Manila.

Pero kung tutulong umano ang publiko ay mapapadali ang trabaho ng NMIS.

Gayundin, dapat umanong iboykot ng mamimili ang iligal na karne dahil may posibilidad na kontaminado
ito at maaari pang pagmulan ng sakit.

Matatandaang ilang ulit nang nakahuli ng botya ang NMIS sa Balintawak Market at iba pang malalaking palengke sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply