No. 3 most wanted person dakip sa rape

HULI sa kasong two counts of statutory rape ang itinuturing na number 3 most wanted suspect sa Malasiqui, Pangasinan dahil sa panggagahasa ng menor-de-edad nitong kapitbahay, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa reklamong inihain sa Pangasinan PNP, positibong kinilala ng siyam na taong gulang na biktima na itinago sa pangalan Amor ang suspek na si Salvador Tulagan, ng Malasique.

Sa salaysay ng biktima sa kapulisan, dalawang beses aniya siyang ginahasa ng suspek at ang huli ay sa mismong bahay pa ng suspek nangyari.

Sa pagsisiyasat, tahasang itinanggi ni Tulagan ang paratang laban sa kanya at sinabing hindi niya kilala ang biktima.

Lumabas sa medico legal examination ng bata na nagkaroon ng lasceration sa ari nito kaya isasama ang nasabing finding sa ihahaing kaso sa husgado laban sa suspek.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply