No. 5 most wanted ng Navotas nadakip

NATAPOS na ang anim na taon pagtatago ng number 5 most wanted ng Navotas matapos inguso sa pinagtataguan nito sa Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ni Chief Insp. Manolo Salvatierra, hepe ng Camanava Criminal Investigation and Detection Group ang nadakip na si Rodolfo Dimacali, 45 ng Bagong Silangan, Quezon City.

Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang Camanava-CIDG kung saan nagtatago si Dimacali.

Dakong alas-6:00 ng umaga, tinungo ng mga tauhan ng Camanava-CIDG ang tinutuluyan ni Dimacali na hindi na nanlaban nang arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Leonardo Leonida ng RTC Branch 74 dahil sa kasong murder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply