No smoking, no littering sa Luneta ilulunsad

PANGUNGUNAHAN ng Metro Manila Development Authority at National Parks Development Committee ang paglulunsad ng “No Smoking” at “No Littering” sa loob ng Rizal Park sa Ermita, Maynila.

Bukas (Mayo 11) sa ganap na alas-9:00 ng umaga, ilulunsad ang nasabing proyekto sa pangunguna nina MMDA Chairman Francis Tolentino at NPDC Director Juliet Villegas sa Bulwagan ng Kagitingan sa tabi ng Chinese Garden sa Luneta Park.

Layunin ng proyekto na gawing mas kaaya-aya ang Luneta park sa mga dayuhan na mamamasyal higit lalo sa ating mga kababayan na magtutungo sa bagong mukha ng Rizal Park.

Ang sinumang lalabag sa kautusan ay may naghihintay na kaparusahan ayon sa dalawang opisyal.

Mahigpit ipatutupad ang proyekto sa Luneta Park simula sa Sabado, Mayo 12.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply