Notes ni Rocco Nacino nababakat!

NANG nakausap namin si Rocco Nacino nang mag-guest performer siya sa katatapos na concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Zirkoh Morato last Saturday night, nasabi niyang totoong super sexy ang attire niya bilang warrior sa movie na Lam-Ang kung saan siya bale ang nasa title role.

Nabanggit ni Rocco sa amin na hanggang pagpapakita lang ng kanyang kuyukot sa behind niya ang makikita sa bahag niyang costume sa movie.

Pero sa mga nagpapantasya sa kanyang kaseksihan, dapat daw magmatyag nang husto sa fighting scenes niya. Kasi nga’y nakabahag siya at fighting scenes pa, ‘di maiaalis na lumipad din ang takip ng bahag niya sa harapan.

Sa pagbati namin kay Rocco, kapansin-pansin agad ang morenong kulay niya na lalong tumingkad lately dahil 10 days siyang bilad sa araw sa shooting ng Lam-Ang.

Super busy nga ang molang-molang aktor lately dahil bukod sa movie, patuloy pa rin ang taping niya sa Good Daughter kung saan partner niya si Kylie Padilla. On top of that, may Party Pilipinas pa siya tuwing Sunday kaya halos wala nang pahinga ang produkto ng StarStruck 5 kung saan siya ay naging runner-up na ang nagwagi sa lalaki ay si Steven Silva.

Speaking of Steven, pareho sila ni Rocco na guest performer sa Jose at Wally concert na produced ng Philippine Movie Press Club.

Talagang crowd drawer ang dalawa at halos nakatayo na ang ibang audience sa likod dahil wala na talagang maupuan, stop na tuloy ang ticket selling.

Super sikat nang talaga sina Jose at Wally ng Eat Bulaga. Panauhin din sina Toni Gonzaga, DK Valdez at Michael Pangilinan, bagong talent ni Jobert Sucaldito.

***

SWEET at lista ang batang si Barbara Miguel na kasalukuyang napanonood sa soap na Biritera ng GMA7. Si Barbara ang kasalukuyang tumutulong at kaibigang bata ni Roseanne Magan sa soap.

Nang nakausap namin siya, hanga na agad kami sa talent na ito ni Direk Maryo J. delos Reyes. Imagine, sa edad na pitong taon gulang pa lang, mature na siyang kausap na straight forward kung sumagot sa amin sa mga katanugan hinggil sa pag-aartista at friendship nila ni Roseanne.

Sinabi ng bata na hindi siya naiinggit kay Roseanne na kabagu-bago lang sa showbiz ay bida agad ang ginagampanan. Bagkus, hanga siya sa talent sa acting at singing nito. ‘Di naman daw siya katulad ni Roseanne pagdating sa kantahan.

Pero sa iyakan ay magaling rin daw siya tulad ng ipinakita niya sa huling soap niyang nilabasan, ang  Munting Heredera kung saan lumabas siyang anak ni Katrina Halili.

Kahit siya’y bata pa, alam na niya ang tamang gawin sa sarili at kung anong role ang ginagampanan niya.

Kasi, bata pa raw siya at hindi pa nag-aaral ay hilig na niya ang pag-arte.

Laking pasalamat niya sa paggabay sa acting niya ni Direk Maryo J, ang director rin ng Biritera.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply