‘Notice of Judgment’ natanggap na ni Belmonte

NATANGGAP na ni House Speaker Feliciano “SB” Belmonte ang “Notice of Judgment” mula sa Senado laban sa pinatalsik na si Chief Justice Renato Corona.

Nakapaloob sa notice na ipinaabot sa Kamara, “Wherefore, in accordance with Article XI, Section 3 (7) of the Constitution, the penalty of removal from office and disqualification to hold any office under the Republic of the Philippines is hereby imposed upon respondent Chief Justice Renato Corona.”

Ito ay nilagdaan ni Senate President Juan Ponce-Enrile.

Matapos matanggap, agad itong ipinalagay ni Belmonte sa order of business ng Kamara.

Kabilang sa pinadalhan ng kopya ng hatol mula sa Senado ay sina Pangulong Benigo Aquino III, ang Judicial and Bar Council, Chief Justice Corona, mga miyembro ng Supreme Court en banc at si dating Justice Serafin Cuevas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply