Novo building sa Butuan, walang FSIC – BFP

NABATID na walang Fire Safety Inspection Certificate ang Novo Jeans and Shirts Enterprises na nasunog kamakailan sa Butuan City, kung saan 17 stay-in worker nito ang namatay.

Ayon sa BFP-Butuan, nagsagawa ng inspeksyon sa naturang establisimyento ngunit hindi nabigyan ng sertipikasyon dahil sa kakulangan nito ng requirement na pagsagawa ng “Fire Exit Drill.”

Napag-alaman naman sa City Architect Office ng Butuan na “No Occupancy” ang nakasaad sa building permit ng nasunog na establisimyento.

Ayon pa sa nabanggit na tanggapan, mahigit 30 taon nang nakatayo ang gusali ngunit noong 2006 lang na-renovate.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply