NPC president Mr. Jerry Yap binastos at niratratan ng bibig ni Annabelle Rama!

MAY napipintong sapakan sa pagitan ng manunulat na si Chito Alcid at ang mataray na ina at talent-manager na si Annabelle Rama. Ito’y may kaugnayan sa pagsawsaw sa isyung Fuentes at Rama ng writer na si Chito Alcid.

Ayon pa rito kay Alcid, maraming pagbabanta na raw siyang natanggap mula kay Madam Annabelle at kung nakamamatay nga lang daw ang mga pagmumura sa kanya ng mommy ni Chard, siguradong matagal na siyang nakaburol at pinaglalamayan.

Sa takot ni Chito na magkatotoo ang mga pagbabanta sa kanya ni Tita Annabelle, nagpasaklolo ito sa National Press Club (NPC) at sa mismong presidente nitong si Mr. Jerry Yap.

Pero sa kasamaang palad, mukhang madadawit pa ang pangalan ng aming Presidente sa NPC matapos nitong makausap si Tita Annabelle sa phone.

Ayon kay Sir Jerry, magalang at mahinahon daw niyang kinausap si Tita Annabelle para pakinggan sana ang kanyang panig ukol sa mga sumbong ng miyembro sa NPC na si Chito Alcid.

Kaya lang, sobrang niratratan daw si Sir Jerry ng bibig ni Tita Annabelle na kahit raw si Alcid ang pinatutung kulan ng mga pagmumura ni Tita A., pakiwari ni Sir Jerry ay siya mismo ang minumura ng nabanggit na talent-manager.

At bago pa man daw makapagsalita si Mr. Yap para sana sabihin kay Madam Annabelle na kailangang magkaharap sila ni Chito sa mismong opisina ng NPC, ibinaba na raw ni Rama ang phone nito kaya sobrang nanlumo talaga ang aming president sa inasal na ito ng nanay nina Ruffa, Richard ay Raymond.

Well, sa ganyang asal na pinairal lamang ba ni Annabelle ang kanyang kabastusan, dapat at panahon na siguro na turuan siya ng leksyon para matutong gumamit ng tamang manners. Pakiramdam kasi ng mga taga-NPC ay lahat ng kausap niya pwede na niyang bastusin.

oOo

ANG Galaxy Record at General Manager nitong si Sir. William Lim ay nagpapa-auditon ng mga magagandang girls para sa pina-plano nitong itatayong grupo ng mga kababaihang pwedeng singer and dancer.

May naghihintay na recording career ang sino man sa kanilang mapipiling talent. Kaya pagharap mo sa salamin at sure ka talagang beautiful ka, go na kaagad sa mismong opisina ng Galaxy Records sa 3rd-floor Universal Tower #1487 Quezon Avenue, West Triangle Q.C.

Pwede rin silang tawagan sa kanilang mga contact # 374-83-85 loc 87, or 413-67-91 ang cell #09189414225 and 09178403522. Every Friday ngayong month of May and kanilang audition from 2:00 to 5:00 pm. Dapat daw walang talent manager para walang sagabal sa mga plano ng nasambit na recording outfit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply