Obispo: ‘Fearless forecast’ ng mga grupo sa hatol vs Corona pag-mindset sa isipan ng publiko

NANGANGAMBA si Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso sa maagang pagbibigay ng ‘fearless forecast’ ng iba’t ibang grupo kaugnay sa magiging hatol ng mga senator-judges sa impeachment case ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona na mistulang pag-mindset sa isipan ng publiko.

Ayon kay Medroso, chairman ng  CBCP-Episcopal Commission on Cannon Law,  hindi dapat pangunahan ninuman ang magiging desisyon ng mga senator-judges kay Corona dahil lumalabas na mina-mind set ng mga naturang grupo na may hidden agenda ang mga taumbayan.

Kaugnay nito, iginiit naman ng CBCP official na hindi dapat magpa-impluwensiya ang mga senator-judge sa mga outside forces.

Tiniyak naman ng Obispo na tiwala sila sa pamunuan ni Senate President Juan Ponce Enrile na magiging makatarungan at base sa mga ebidensiya ang gagawin nilang pagdedesisyon sa kaso ni Corona.

Naniniwala ang Obispo na mangingibabaw sa mga Senador ang mga katibayan na inilatad ng depensa at prosekusyon at hindi batay sa pagiging kaalyado o hindi ng kasalukuyang pamahalaan.

“Nobody should comment about the thing na andyan pa under the judgment of the court!  Kasi nakakatakot yan.  it might influenced the judgement of the Senators.  Sana ipagkatiwala na lamang natin sa ating mga senador ang kasong ito,” ayon kay Medroso, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

“Tiwala naman tayo sa pumumuno ni Senate President Juan Ponce Enrile gayundin sa mabuting judgement ng mga Senador. Sana ebidensya ng magkabilang panig ang pagbabatayan ng mga senador at hindi ang isyu pulitika o pagiging kaalyado o hindi ng present government,” aniya pa.

Samantala, ipinagdarasal at umaasa naman si Baguio Bishop Carlito Cenzon na mananaig sa puso ng mga Senator-judge ang “God justice” sa kanilang magiging hatol kay Corona.

Hinimok naman ni Marbel Bishop Dinualdo Gutierrez ang mamamayan na magdasal para magtagumpay ang hustisya, katotohanan, pagmamahal,  at kalayaan sa pamamagitan ng Ispiritu Santo.

Tiniyak ng Obispo na sa pamamagitan ng pagdarasal ay makakamit ang kapayapaan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply