Obispo: Laban ng mga magsasaka sa H. Luisita ‘di pa tapos

HINDI pa tapos ang laban ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita.

Ito ang paniniwala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, bagamat nagdesisyon na ang Korte Suprema na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain ng hacienda at ang hindi balidong Stock Distribution Option.

Sinabi ni Pabillo, chairman ng National Secretariat for Social Action Justice and Peace (NASSA) ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na malaki pa ang trabaho sa usapin gaya ng kailangang support services ng mga magsasaka mula sa gobyerno para mapaunlad nila ang kanilang lupain.

Aniya, kabilang rito ay ang pagtuturo sa mga magsasaka na pamahalaan ang lupain, at ang pagbibigay sa kanila ng mga binhi, pataba at iba pang gamot sa pagtatanim.

Hinimok rin ng obispo ang mga magsasaka na magkaisa, patuloy na maging vigilante at mapagbantay upang matiyak na magiging tuluy-tuloy na ang implementasyon ng kautusan ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply