Obrero todas sa pamamaril sa Kyusi

PATAY ang 32-anyos na obrero makaraang barilin ng riding-in-tandem sa Payatas, Quezon City kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Reynaldo Indoy, construction worker ng Quezon City na namatay noon din dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon kay SPO1 Eric Lazo ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ang insidente sa kanto ng Payatas kanto ng Tindalo Street, dakong 11:30 ng umaga kanina.

Sinabi sa ulat na sakay ang biktima ng motorsiklo habang angkas ang kanyang dalawang pinsan patungo sa sementeryo ng Montalban, Rizal nang tumirik ang motor na kanilang sinasakyan dahil naubusan ng gas kaya kanila na lang itinulak.

Dito na dumating ang mga suspek na nakaitim na jacket at ang isa ay naka-sumbrero at basta na lang binaril ang biktima sa batok na tumagos sa kaliwang pisngi.

Matapos ang pamamaril, tumakas ang mga suspek at iniwan ang duguang biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply