OFW na nakuryente sa Saudi makakauwi na

INIHAYAG ngayong araw ni Vice President Jejomar Binay na makakauwi na sa Pilipinas ang overseas Filipino worker (OFW) na nakuryente habang nagtatrabaho sa Saudi Arabia dalawang taon na ang nakararaan.

Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Adviser for OFW Concerns na posibleng makabalik sa Pilipinas si Alfredo Salmos sa mga susunod na linggo makaraang maasikaso ang mga travel document ng OFW.

Ayon pa kay Binay, ang pagpapauwi kay Salmos ay bunga ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang umapela sa pamahalaan ng Saudi na mabigyan ng exit clearance ang OFW.

Partikular na kinilala ni Binay ang kontribusyon ni Consul General Uriel Norman Garibay ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah upang mahanap ang pinakahuling naging amo ni Salmos upang makapagbigay ito ng final exit clearance.

Pinasalamatan din ni Binay ang pamahalaang Saudi sa pagbibigay ng police clearance kay Salmos.

Matatandaan na si Salmos, 50-anyos, ay naaksidente noong Abril 2010. Umabot sa 14,000 electric volts ang pumasok sa katawan ni Salmos na nagparalisa sa kanya nang mahigit sa isang buwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply