OFW na nakuryente sa Saudi tutulungan

MAKAKAASA ng tulong mula kay Vice President Jejomar Binay ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na aksidenteng nakuryente habang nagtatrabaho sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sa isang pahayag, sinabi ni Binay na nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga opisyal ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah upang mapauwi sa Pilipinas si Alfredo Salmos sa lalong madaling panahon.

Umaasa rin si Binay na manunumbalik ang magandang pangangatawan ni Salmos upang maitaguyod nito ang kanyang pamilya sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Naunang ibinulgar ng grupong Migrante International ang kalagayan ni Salmos, 50-anyos, nang maaksidente ito noong Abril 2010. Umabot sa 14,000 electric volts ang pumasok sa katawan ni Salmos na nagparalisa sa OFW nang isang buwan at patuloy na ginagamot sa isang pagamutan sa Jeddah.

Ayon sa Migrante, maraming proseso ang dadaanan bago mapauwi sa Pilipinjas si Salmos, kabilang na ang pagtukoy sa employer nito upang mabigyan ng exit clearance habang inaasikaso ang police clearance ng OFW matapos na masangkot ito sa isang aksidente, sampung taon na ang nakalilipas.

Kailangan din ang patuloy na gamutan sa OFW at mabigyan ng katibayan na may kakayahan itong bumiyahe pabalik ng bansa.

Bukod kay Binay, nangako rin ng ayuda si Nueve Ecija Governor Aurelio Umali habang hinahanap ang pamilya nito sa nasabing lalawigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply