OFW namatay habang nasa KSA PH embassy

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang namatay habang nasa pangangalaga ng embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia, ayon sa natanggap na impormasyon ng grupong Migrante International.

Sa isang kalatas, kinilala ng Migrante ang OFW na si Alma Anastacio, tubong Nueva Ecjia, namatay noong Abril 17, 2012 dahil sa sakit sa suso.

Nanawagan din si John Leonard Monterona, Migrante Middle East regional coordinator na imbestigahan kung papaano namatay ang OFW habang nasa pangangalaga ng embahada.

Umapela rin ang Migrante sa mga opisyal ng Philippine embassy sa Riyadh na ipaalam sa pamilya sa Pilipinas ang sinapit ng OFW, gayundin sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na magbigay ng kaukulang ayuda.

Batay sa impormasyon, lumayas sa kanyang amo ang nasabing OFW noong 2009 dahil na rin sa pang-aabuso at hindi pagpapasahod.

Sa natanggap na impormasyon ng Migrante, pansamantalang naninirahan sa Bahay Kalinga sa loob ng embahada ang OFW habang naghihintay ng kasagutan sa kanyang kahilingan na makabalik ng Pilipinas.

Ipinagtataka rin ng Migrante kung bakit nabigo ang embahada na pauwiin sa Pilipinas ang OFW habang hindi pa lumalala ang sakit nito.

Ayon pa kay Monterona, tinangka pa ng embahada na itago ang kamatayan ng OFW sa kaalaman ng mga Filipino sa Riyadh at sa kanilang grupo.

Sinabi ni Monterona na hindi lamang ito ang kauna-unahang balita na may OFW ang namatay sa loob ng Bahay Kalinga.

Aniya, batay sa kanilang pagbabantay, 3 OFWs na ang namatay sa nasabing tirahan simula noong 2008.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply